You can't see me but I can see you, says John Cena
Parang sa pag-ibig lang, hindi ka niya laging nakikita pero siya lang yung nakikita mo.
Bakit ganun ang pag-ibig?
Gusto mo siya pero di ka niya gusto.
May nagkakagusto sa'yo pero hindi mo gusto.
Gusto mo, gusto ka pero di kayo pwede.
Bakit sa dinami-rami ng taong pwedeng malasin sa pag-ibig,
bakit ako pa?
Hindi na lang yung mga taong sure ng single forever?
Hindi na lang yung mga taong sure na na magmamadre?
Bakit ako pa na hindi pa sure?
Nalilito tuloy ako sa buhay ko.
Am I for married life?
Am I meant to be single forever?
Am I for religious life?
I once have had decided to be single,
but f*ck life, f*ck destiny.
Bakit kung kailan nakapagdesisyon na ako na gusto kong mabuhay mag-isa hanggang sa ako'y mamatay
saka pa ako nagkagusto sa'yo?
Dun pa sa taong ayaw sa'kin.
Sabi nga sa kanta, "We had the right love at a wrong time ..."
Everything is in wrong timing.
Hindi ko alam kung ikaw na ba?
Hindi ko alam kung sino ba?
Ikaw yung gusto ko pero ayaw mo.
Hindi ko siya gusto pero siya yung laging andiyan.
Kailan ba magiging tama ang panahon?
Kailan ko ba masasagot yung mga katanungan ko?
Yung alam kong tama, pinagdududuhan ko na.
Yung alam kong mali, pinaniniwalaan ko na.
Ganito ba ang umibig?
Lilituhin ka, lolokohin ka
Hanggang sa mamanhid ka na lang.
Hanggang sa hindi mo na alam yung tama at mali.
Hanggang sa makalimutan mo na yung mga pinaniniwalaan mo,
yung mga prinsipyo mo,
yung mga taong totoong nagmamahal sayo.
Sino ba papakinggan ko?
Yung puso kong sinisigaw yung pangalan mo?
O yung utak ko na sinasabing ayaw mo.
Pinakinggan ko yung puso ko pero anong napala ko?
Pinakinggan ko yung utak ko pero nasasaktan ako.
Alam kong ayaw mo pero sana wag naman tayong ganito.
Alam kong ayaw mo pero please dahan-dahanin natin 'to.
Alam kong wala naman talaga akong pag-asa sa'yo,
tanggap ko na. Iba ang iyong gusto.
Pinapatalon mo yung puso ko tuwing nagkikita tayo.
Pero hindi na ngayon.
Ito ba ang iyong gusto? Ang lumayo ako?
Hindi ako pwedeng magselos kahit kanino kasi hindi naman tayo.
Hindi kita aalalahanin kasi wala namang tayo.
Wala ka namang pakialam kung magkagusto ako sa iba
Dahil ito yung gusto mo, ang lumayo ako.

